Lalaki inireklamong nangikil sa dating child actor sa loob ng 4 taon

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 55 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 25%
  • Publisher: 83%

Entertainment Entertainment Headlines News

Entertainment Entertainment Latest News,Entertainment Entertainment Headlines

Watch more in iWant or TFC.tv Arestado ang isang lalaki na 4 taon umanong kinikilan ng pera at gamit ang dating child actor kapalit ng hindi nito pagpapakalat ng mga hubad na larawan ng biktima.

Ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek na si Leovi Reyes matapos niya humingi ng P50,000 at sapatos mula sa biktimang si alyas "Alan," na ngayon ay 16 anyos na.

Kuwento ng ina ng biktima, 12 anyos si Alan nang magkamali itong magpadala ng hubad na retrato sa umano'y "girlfriend" sa internet. Matapos noon ay nag-message daw ang nobyo ng "girlfriend" ni Alan at humihingi ng pera kapalit ng hindi pagpapakalat ng nude photos. Nagpatuloy ang "sextortion" sa loob ng 4 taon at aabot na raw sa P250,000 ang kabuuang naibigay ng pamilya ni Alan sa suspek. Buwan-buwan din daw humihingi ng damit si Reyes.

"Tinuruan pa niya ang anak ko kung paano magsinungaling, magnakaw, at kumuha ng gamit namin at ng mga kapatid niya... Nag-trigger na ito ng suicide sa kaniya," kuwento ng ina ni Alan na si alyas "Maribel."Giit ng suspek, may sakit ang kaniyang mga magulang kaya niya nagawa ang krimen. "May stroke kasi ang tatay ko, ang nanay ko may breast cancer. Kailangan ko ng pera," depensa ni Reyes. "Hindi na niya mababalik 'yung 4 na taon ng anak ko na nabuhay siya sa takot." Kulong si Reyes sa kasong child abuse at robbery-extortion. —Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in ENTERTAİNMENT

Entertainment Entertainment Latest News, Entertainment Entertainment Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Ang kapatid ni Sir Lance | Ep. 44Heartwarming ang episode ng Daddy's Gurl this week sa pagbisita ni Danica Pingris-Sotto sa show.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »