Binubuo ng mga natatangi nilang ganda at talento, inilahad ng Kapuso girl group na XOXO na sinusubukan nilang humiwalay sa standard ng mga P-pop o K-pop groups.
“Each of us has our own strengths po, pero kapag magkasama kami, combined kaming apat, we become so much powerful,” sabi ni Dani. “And also, we are breaking the norms or the standard of P-pop or K-pop group na kailangan very ano ka, ganito, ganiyan. So ipinapakita namin na we are here to showcase our talent, to make new people happy or inspired by our representations, different tones of voice, texture na puwedeng mag-isang group like XOXO,” pagdugtong ni Lyra.
“Ako rin, may high parts din po ako. Pero kapag paos si Dani, ako muna ang sasalo sa kaniya,” biro ni Mel. “‘Yung sa sakin naman po, medyo matinis, manipis ‘yung high naman ng boses ko.”