Itinuturing ni Vice Ganda na kasagutan sa mga tanong at pangangailangan ang kasunduan ng GMA Network at ABS-CBN, na ipalabas na rin sa GMA Channel 7 ang noontime show na "It's Showtime."
"Sobra ko nang na-a-appreciate 'yung resulta nung mga pag-uusap nila. Ang sarap lang nung dulo, sobrang sarap lang nung dulo," saad niya."Lahat naman kami nagdadasal lang na maging maayos kami ulit. 'Di ba kasi dati maayos naman, ta's nangarag, umayos nang kaunti, nangarag nang malala, umayos na naman," sabi ni Vice.
Muli ang pagsasalamat ni Vice sa GMA dahil sa pagpayag na ipalabas sa main channel nito ang kanilang noontime show, na nauna nang pinayagan sa GTV channel.Sa kaniyang speech sa contract signing, sinabi ni Vice na hindi niya inakala na darating ang araw na magsasanib-puwersa ang dalawang TV network giants para sa isang TV show.
Entertainment Entertainment Latest News, Entertainment Entertainment Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: TheManilaTimes - 🏆 2. / 92 Read more »
Source: PhilstarNews - 🏆 1. / 94 Read more »