Inilahad ni Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Lala Sotto na labis ang kaniyang saya nang makita na niya sa personal sa unang pagkakataon si Vice Ganda.
Sa panayam ng showbiz press, na mapapanood sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Sotto na nagkita sila ni Vice sa isang fashion show event. “We finally met. Few days ago lang. I was so, so happy to have finally met Vice Ganda,” sabi ni Sotto.Ayon kay Sotto, walang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa, kundi kusa silang nagkatagpo sa event.
“Nakakatuwa, kasi nobody introduced us, I just of course knew na siya si Vice Ganda. And then, nagkataon lang kasi napakadaming tao so nagkatapat kami. So, ayan, nagkita kami, nagbeso kami,” anang MTRCB chair.Gayunman, hindi na rin sila nakapag-usap nang matagal dahil sa ikli ng oras.Wala ring nabanggit si Vice na anumang negatibo sa publiko.“Yes, nakakatuwa. Praise God. I was so happy.”
Matatandaang sinuspinde ng MTRCB ang “It’s Showtime” ng 12 airing days, matapos magreklamo ang ilang viewers sa July 25, 2023 episode kung saan umakto umano ang mga host nito nang hindi angkop sa "Isip Bata" segment. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Entertainment Entertainment Latest News, Entertainment Entertainment Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: TheManilaTimes - 🏆 2. / 92 Read more »