Inilahad ng OPM icon na si Renz Verano na hiling niyang bumalik ang mga madamdaming awitin ng mga Original Pinoy Music sa panahon ngayon.“Ang gusto kong mangyari sa OPM, bumalik ‘yung mas madamdaming mga awitin,” sabi ni Renz sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.
"Unang-una, ang kailangan, maganda ang boses. Kailangan 'yung intonation, ibig sabihin nasa tono. Ngayon, 'yung kaniyang star quality, it's only a bonus. Kailangan maganda ang boses, maganda ang galaw, 'yung expression ng kaniyang pagkanta, nandu’n lahat," ani Renz. Pagdating sa phrasing, "kailangan 'yung isang phrase mo, may ibig sabihin," paliwanag ni Renz na hindi nauudlot ng pauses o stops.