“Kapamilya, Kapuso unite! Ito na ang inaabangan ng lahat!” masayang sabi ni Vice Ganda sa kasagsagan ng pilot episode.
Patuloy pa niya, “Ang trending na usap-usapan at inaabangan sa social media, ang ‘di natin inakalang mangyayari. It is really happening right now, right here.”Ani pa niya, “Wala nang hihigit dito sa pinakamatinding plot twist ng taon. Dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa.” Kung maaalala, noong June 28 ay naganap ang contract signing sa pagitan ng mga big bosses ng Kapuso at Kapamilya network para mas mapalawak pa ang pagpapalabas ng “Kahapon naman, June 30, ay ang huling pag-ere ng nasabing show sa TV5 at dahil diyan ay nagpaabot ng pasasalamat si Vice Ganda sa mga pamunuan ng istasyon.
Sey niya, “Gusto naming magpasalamat sa pamunuan ng TV5, sa inyong tahanan, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon at oportunidad na makagamit po ng inyong bahay, sa pagkupkop sa amin na kahit hindi man masyadong matagal, panandalian, ay napakalaking tulong po n’un sa amin, sa aming pamilya, sa madlang pipol.”
Ani pa niya, “Napakalaking pabor po ‘yung binigay ninyo sa amin. Kaya naman po, ilang kabanata man ang maisulat namin mula sa araw na ito, saan man mapunta ang istorya ng ‘It’s Showtime’ bibitbitin namin ang kabanatang ito kung saan nakaramdam din po kami ng saya mula sa inyo sa pagpapatuloy ninyo sa amin.”
Entertainment Entertainment Latest News, Entertainment Entertainment Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: cebudailynews - 🏆 8. / 71 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »