Ikinuwento ni Rochelle Pangilinan na naipit sila noon sa hindi pagkakaunawaan ng dati nilang manager bilang SexBomb dancers at ang isang executive ng"Eat Bulaga," na dahilan kaya hindi na sila sumipot noon sa longest-running noontime TV show.
“Tahimik lang ako kasi iniisip ko pa rin kung anong dapat gawin. In fairness ‘tong sa mga girls, may respeto sila sa akin. Sinusunod nila ako noong mga panahon na ‘yon kung ano ang magiging desisyon namin bilang ate,” saad niya. “Kasi 'yung iba gusto na umuwi, 'di ba ganu’n ang SexBomb, ayaw na napapa-involve sa mga ganiyan. 'So uwi na lang kami ate, kasi baka 'pag um-attend naman tayo pagalitan tayo sa Eat Bulaga’ or ‘‘Pag um-attend tayo papagalitan tayo ni Ate Joy, 'pag hindi naman tayo um-attend magagalit ang Eat Bulaga, uwi na lang kami, mag-absent na lang kami today,'” patuloy niya.
“Tumawag si Lola tapos umiiyak na ‘Ano sa tingin niyo?’ E siyempre naawa si ano... kami e 'di hindi na rin kami um-attend,” sabi ni Rochelle. “‘Yun ang totoong nangyari sa side naming girls.” Dagdag pa ni Rochelle, ito ang parte ng kaniyang buhay na kaniyang babaguhin kung mababalikan pa niya ito at bibigyan ng pangalawang pagkakataon.
Entertainment Entertainment Latest News, Entertainment Entertainment Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »