MAYNILA — Mga pekeng address ang ibinigay ng mga opisyal ng kompanyang Green Trends na inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon sa umano'y maanomalyang pagbili ng PPEs noong 2020.
Sa report ni Rodolfo Quimbo ng Office of the Senate Sergeant-At-Arms , lumalabas na puro peke ang mga address ng mga ito. Rehistrado naman daw sa Securities and Exchange Commission ang pangalan ng mga ipinatawag na resource persons subalit hindi totoong address ang mga idineklara ng mga ito sa SEC. Sa pagdinig ng Senado, lumalabas na ang Green Trends ang kinuhanan ng supply ng TigerPhil bago nakarating sa Pharmally ang medical supplies na idineliver nito sa PS-DBM.
One on one bout. Manny Pacquiao (MannyPacquiao) versus Yorme Isko (IskoMoreno) for President of the Philippines Philippines Votes 2022 Manila Philippines2022 iPhone13