Ayon sa kambal na sina Jomar at Jake Canencia, limang taong gulang pa lamang sila nang matutong mag beatbox.
“Wala pong nagturo sa amin, kami lang po ang nakadiskubre. Natutunan namin itong beatboxing sa pakikinig sa radyo,” sabi ng dalawa sa panayam sa segment na “Panalo ‘to” ng programang Lingkod Kapamilya sa TeleRadyo Miyerkoles ng umaga.“May iba pa kaming talento gaya ng tunog ng motorsiklo, tunog ng bumbero,” sabi nila.
Nakilala ang dalawa matapos na kilalanin ang kanilang talento ni Smith na siya namang nagbahagi ng video nila sa kaniyang personal na Instagram account na umani na ng milyong-milyon views. Laking pasalamat naman ng magkapatid sa suportang patuloy nilang natatangap sa mga tumatangkilik sa kanilang mga videos na mapapanood rin sa kanilang YouTube channel.
“Sa lahat ng aming supporters dyan maraming salamat sa pag-appreciate sa aming talento,”sabi ng kambal.