HINDI biro ang mga pinagdaanang laban at pagsubok sa buhay ng actress-singer na si Nadine Lustre nitong nakaraang taon.
“It was really just me facing all of these issues and all of these fears and dealing with it. Wala talaga akong ibang maasahan, I had to go through it. Ayon sa dalaga, mas na-inspire pa siyang magpakatotoo sa sarili at sa buong mundo nang ilabas na ang kanyang visual album na “Wildest Dream” last year, “It’s really just about, you know, being true to yourself.
“Now that I am braver, you know, I kind of am braver of showing everyone who I really am, nagtuluy-tuloy na lang siya,” pahayag pa ng award-winning actress. Ipinagdiinan din ni Nadine na hindi siya nagpapakasanta dahil tao lang din siya na nagkakamali at nasasaktan pero naniniwala siya na karapatan niyang magkaroon ng freedom at makapagdesisyon para sa sarili niya.
BanderaPhl Thanks you cleared that up just in time. I was about to pray to you to help me spiritually.