ISA sa pinanghihinayangan ng cast at production ng seryeng “Walang Hanggang Paalam” ay ang napurnadang shooting nila sa iba’t ibang bahagi ng Asia.
In fairness, simula pa lang ay umaatikabong aksyon at matinding aktingan na ang naganap sa pagitan ng mga bida at kontrabida ng serye kaya siguradong may aabangan na naman ang publiko gabi-gabi sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel. “Ako dito si Emmanuel Salvador na anak ni tito Ronnie at kapatid ni McCoy . Isa akong ex-NIA agent na natanggal sa trabaho dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. At dahil dun, doon nagsimula ang problema ng lahat.
Paano siya napapayag na tanggapin ang proyekto sa kabila ng banta ng killer virus? “Hanggang maaari, tina-try natin na hindi lumabas, pero sa pagkakataong ito, kailangan na rin ng trabaho ng mga tao at pati na rin ako. So yun rin yung isang motivation. Hindi na ito tungkol sa aming mga artista, it’s more than that. It’s for everyone’s work.”