HINAMON nina Vice Ganda at Vhong Navarro si Karylle na batiin on national TV ang ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes.
Hirit ni Vice, “Ito ang punishment mo, Karylle: Mag-‘Hi!’ sa isang ex na kilala namin on national television.” “Hi lang naman ito. This is just a game. Huwag niyo seseryosohin. Ang may gusto po nito ay yung gumawa ng game. Walang kinalaman si Karylle dito so wala siyang choice,” sey ng TV host-comedian na ang tinutukoy nga ay si Dingdong Dantes.
Palabang sagot ni Karylle, “Kaya ko na! Kasi na-warm up na ako. I’m ready for anything now. Ready na ako kahit sinong hello, tawagan natin, whatever.”
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more: